Good News! Big Time rollback sa presyo ng petrolyo ipatutupad

Imahe kuha mula sa video ng PTV

Isang magandang balita ang sasalubong sa mga motorista ngayong linggong ito dahil sa ipatutupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo matapos ang anim na sunud-sunod na price increase sa mga presyo ng gasolina, diesel at kerosene.

Batay sa ulat ng Tempo, sa ginawa umanong pagtataya ng Department of Energy ay maaaring bumaba ang presyo ng diesel ng mula P1.35 hanggang P1.45 kada litro, ang gasolina naman ay mula P1.20 hanggang P1.20 kada litro ang maaaring ibawas sa presyo. Ang presyo naman ng kerosene ay inaasahang  matatapyasan ng mula P0.80 hanggang P0.90 kada liro.

Ang rollback ay ipatutupad sa araw ng Martes, ika-13 ng Pebrero.

Samantala, wala namang pagbabago sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at AutoLPG ngayong linggo.

Ang bigtime rollback ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Panoorin ang video report ng PTV News hinggil sa oil price rollback: