Huli sa akto: Hepe, mga pulis nag-iinuman, tulog habang naka-duty

Image Capture of Video by Raffy Santos via Twitter account
  • Tanggal sa puwesto ang hepe at mga tauhan ng tatlong istasyon ng pulisya
  • Huli sa akto ang ilang mga hepe at pulis na nag-iinuman at ang iba ay tulog habang naka-duty sa madaling araw
  • “Konting kasiyahan” ang dahilan ng isang hepe na nahuling nakikipag-inuman

Tinanggal sa puwesto ang hepe at mga tauhan ng 3 istasyon ng pulisya matapos mahuli sa aktong nag-iinuman at ang iba ay natutulog habang naka-duty.

Ikinagalit ni NCRPO Chief Oscar Albayalde ang ilan sa kanyang mga nakita sa kanilang “surprise inspection.” Nag-ikot si Chief Albayalde sa ilang mga istasyon ng pulis sa madaling araw ng Martes, February 7.

Ang unang istasyon na pinuntahan nila ay ang community precinct (PCP) 4 sa Muntinlupa City. Dito ay huli sa akto na nag-inuman ang kumander ng istasyon na si Senior Insp. Mark Oyad at ang kanyang mga tauhan na hindi nakauniporme.

Dahilan pa ni Oyad ay mayroon lamang “konting kasiyahan” dahil kaarawan ng isang kasamahan nila.

Ang sumunod na binisita naman ay ang PCP 8 sa Maricaban, Pasay kung saan may pinakamaraming “text complaints.” Inabutan ni Chief Albayalde na natutulog ang mga pulis. Nakunan pa ng ABS-CBN ang commander na si Senior Insp. Ferdinand Duren na hindi pa agad nagising kahit ginigising ni Chief.

Sa pangatlong istasyon, sa Malibay, Pasay, ay natutulog rin ang station commander na si Senior Insp. John Glenn Siguan.

Paalala ulit ni Chief Albayalde na kailangang maging alerto ang mga kapulisan kahit sa gabi at madaling araw.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS-CBN, Twitter