‘Ikaw Pa Rin’: Internet shop nagmistulang concert stage ni ‘Jordan the singer’

Image capture from TanTan Oliveros video via Facebook

Likas sa mga Pilipino ang pakikinig ng mga awit. Sa anumang mood ay ibinabagay natin ang awiting nais nating mapakinggan.

Nag-viral ngayon sa social media ang ibang klaseng appreciation sa awit ng isang lalaki.

Sa Facebook post ni Tan Tan Oliveros, ibinahagi nito ang video ng isang lalaki na tila damang-dama ang nilalaman ng awitin. Feel na feel niya, ‘ika nga.

Mapanonood sa video na tila walang pakialam sa mga katabi sa isang internet shop ang lalaki sa pag-awit niya ng ‘Ikaw Pa Rin’ ni April Boy Regino.

Nagmistulang concert para kay ‘Jordan the singer’ ang pag-awit nito na talaga namang nag-viral sa social media. Naaliw ang maraming netizens. Umabot na nga ng 2.7 million ang views at 41K ang shares. Lupet ano?

“Petmalu” nga raw ang ipinamalas ng lalaki lalo na sa chorus na bahagi ng awit kung saan ito’y gigil na gigil, napatayo at napa-rock sign pa! May nagtanong pa kung nakuryente ba raw siya.

Hindi kaya may pinagdaraanan si kuya?

Maraming netizens ang naaliw sa ipinamalas ni Jordan sa pag-awit niyang ito. Ngunit ang pinakamahalaga…’yung nakita nating nag-enjoy talaga si kuya.  ^_^

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook