Intimate scenes nina Arjo at Sue sa “Hanggang Saan”, pinagseselosan ng mga kasintahan nila?

Imahe mula sa YouTube account ng ABS-CBN Entertainment

Pinagseselosan ba ng kasintahan nina Arjo Atayde at Sue Ramirez ang intimate scenes ng dalawa sa teleseryeng “Hanggang Saan”?

Ayon sa PhilStar, masayang-masaya sina Atayde at Ramirez dahil kahit ngayon lamang sila naging magkatambal sa isang serye ay tinatangkilik talaga ito ng mga manonood at may mga supporter na ang kanilang love team.

May maseselang eksena ang dalawa sa nasabing serye ngunit hindi naman daw ito pinagselosan ng mga kasintahan nila sa totoong buhay.

Si Joao Constancia ng BoyBandPH ang napababalitang nobyo ni Ramirez habang si Sammie Rimando ng Girltrends naman ang sinasabing espesyal ngayon sa puso ni Atayde.

“Siyempre ‘yong mga partner naman siguro naiintindihan nila. Alam naman nilang trabaho lang e,” wika ni Ramirez.

“Hindi eh, parang it’s more of work. You gotta do is what you gotta do. Wala naman, wala namang problema,” saad naman ni Atayde.

Narito ang isang video clip mula sa mga nakakikilig na episode sa Hanggang Saan:

Samantala, may nag-upload kamakailan ng isang compilation video na nagpapakita ng closeness ng dalawa sa likod ng kamera:

Fact-checked against the following source(s) :

PhilStar, YouTube, YouTube