Jak, nagseselos sa katambal ni Barbie na si Derrick?

Mga imahe mula sa Instagram accounts ng @gmanetwork at @jakroberto

Ngayong may ginagawa na namang pelikula ang “Derbie”, marami ang napapaisip kung nagseselos ba ang aktor na si  Jak Roberto sa ka-love team ng girlfriend niyang si Barbie Forteza na si Derrick Monasterio, lalo pa at muntik nang nagkaroon ng relasyon noon ang dalawa.

Sinagot na ito, sa wakas, ni Roberto.

Ayon sa PEP, kahit magkapareha ngayon sina Monasterio at Forteza sa pelikulang Almost A Love Story ay kampante raw si Roberto sa relasyon nila ng kasintahan.

Dagdag pa rito, kailanman ay hindi raw niya pinagselosan si Monasterio.

“Never, nagkatrabaho na rin kami ni Derrick before, kilala ko siya. ‘Yong tungkol sa kanila, ang alam ko nabalita naman ‘yon dati,” aniya.

#JakRoberto #derrickmonasterio #BarbieForteza #JakBie #derbie

A post shared by Ciara Dizon ❤ (@dizonciara) on

Sa kasalukuyan ay masaya raw sina Roberto at Forteza sa piling ng isa’t isa.

“Happy naman. Ang importante, wala kaming tinatago,” saad niya.

Narito ang trailer ng “Almost a Love Story”:

Samantala, makakasama naman ni Roberto ang aktres na si Glaiza de Castro sa upcoming serye ng Kapuso Network na Contessa: