JM De Guzman at Barbie Imperial, magsasama sa isang teleserye

Mga larawan mula sa Instagram account ni JM De Guzman

Sa muling pagbabalik ng aktor na si JM De Guzman sa limelight, isang tv project ang iniluto at inihain sa kanya ng ABS-CBN Kapamilya management; ang muling pagbuhay sa Precious Hearts Romances presents Araw Gabi katambal ang Star Magic talent na si Barbie Imperial.

Ang Precious Hearts Romances presents Araw Gabi ay co-production ng RSB Drama Unit na lumikha rin sa katatapos na wildest teleserye ng 2017 na Wildflower.

JUST IN: Barbie Imperial, napiling leading lady para kay JM De Guzman sa nalalapit na pagbabalik ng Precious Hearts Romances! Follow @arawgabi.abscbn for the official publicity photos!

PHR presents Araw Gabi. @itsbarbieimperial

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Araw Gabi with @itsbarbieimperial . sanay inyong abangan.

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Bagama’t wala pang pormal na detalye kung kailan ang airing nito, maraming mga tagahanga ni JM De Guzman ang nananabik nang mapanood ang kanilang idolo matapos ang panumandaling pagpapahinga nito sa showbiz matapos ang kanyang rehab dahil sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot.

Si Barbie Imperial naman ay girlfriend ni Star Magic talent Paul Salas. Kabilang si Barbie  sa Wansapanataym presents Genie in the Bottle bilang “maldita girl” na napapanood tuwing Linggo ng gabi.