Joey, inaming may kumukumbinsi sa anak na si Winwyn na pumasok sa pulitika

Image by Joey Marquez via Instagram account
  • Inamin ni Joey Marquez na ayaw na niyang bumalik sa pulitika
  • Ang anak niyang si Winwyn umano ang maraming alok na tumakbo ito sa eleksyon
  • Kahit hindi siya sang-ayon ay depende raw iyon sa desisyon ng anak

Walang pagdadalawang-isip na nilinaw ni Joey Marquez ang kanyang pagtalikod sa buhay pulitika. Matatandaang naging mayor ng Paranaque si Joey mula 1995 hanggang 2004. Aniya sa Pep, “Diretsahin ko na nang sinasabi ‘yan kasi galing na ako diyan eh. Graduate na ako diyan.”

Inamin naman ng aktor na ang kanyang anak na si Winwyn Marquez ang may nag-aalok na tumakbo ito sa eleksyon. Hindi pa umano malinaw kung anong posisyon ngunit pinag-iisipan pa raw nila. Kung si Joey umano ang tatanungin ay dini-discourage niya ito. Gusto raw sana niyang tapusin muna ng anak ang kanyang MBA at PhD.

Pinagsabihan niya umano si Winwyn, “Sabi ko nga eh, hindi naman negosyo ‘yan, trabaho ‘yan. Moral responsibility mo sa mga tao ‘yan.”

Nilinaw pa niya, “Okay lang na pumasok bilang public servant but not as a politician. I’ll be against everything you do if you act like a politician. ” [Ako ay hindi susuporta sa lahat ng iyong gagawin kung aaksyon ka na parang politiko.”

Matatandaang hindi rin sang-ayon si Joey noon na sumabak si Winwyn sa beauty pageants. Isa lamang ang hiniling niya sa anak nang nagpumilit ito — ang magtapos ng PhD o doctorate degree.

Fact-checked against the following source(s) :

Pep, ABS-CBN