Kung Hei Fat Choi! Mga kabataang nag- ‘Dragon Dance’ gamit ang mumurahing materyales, nag-viral sa social media

Image capture from Ryan Blanco Facebook video/Public Domain

Sa hirap ng buhay ngayon ay sinisikap pa rin ng marami na mamuhay nang parehas. Lahat ay gagawin kumita lamang kahit kaunting salapi.

Nag-viral sa social media ang tatlong kabataan na nagsagawa ng Dragon Dance gamit lamang ang mga simpleng materyales.

Ang Dragon Dance ay isinasagawa sa pagsalubong sa Chinese New Year na pinaniniwalaang pantaboy ng mga malas.

Sa Facebook post ni Ryan Blanco, ibinahagi nito ang pagsasagawa ng Dragon  Dance ng ilang bata gamit lamang ang timba, kahoy at plastic na timba.

Ito ay may caption na:

SOBRANG NAKAKATUWA YUNG MGA BATANG GANITO , SA HALIP NA GUMAWA SILA NG HINDI (MABUTI) O MAGNAKAW E MAS PINILI NILANG GUMAWA NG MAGANDANG PARAAN UPANG MAGKA-PERA.”

Nakaaaliw din naman ang gimik na ito ng tatlong kabataan dahil sa kanilang pagiging malikhain. Timba na ginawang tambol, kahoy na ginawang drumstick at plastic basket na nagmistulang ulo ng dragon.

Katulad ng ginagawa sa isang tunay na Dragon Dance ay ganoon din ang ariba ng tatlong batang lalaki.

Ngunit isang komento ang pumukaw sa amin. Kilala umano ng nagkomento ang mga bata at tila mga ulila na?

Ayon kay Jerson B. Mallar kilala ko yan mga taga samin yan wala ng magulang mga yan

komento

May mga nag-tag din sa KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho); umaasang mapansin ang mga batang ito ng programa.

Kung Hei Fat Choi!

Source :

Facebook