Lolit Solis ipinagtanggol ang baby ni Pauleen at Vic na si Talitha sa mga bashers

Images by Vic Sotto via Instagram account
  • Ang anak ni Pauleen at Vic Sotto na si Baby Talitha ay pinuna ng ilang netizens
  • Ayon sa basher ay kamukha umano ni Talitha si Ryzza Mae Dizon at hindi ang anak ni Oyo Boy na si Vin
  • Pinagtanggol ni Lolit Solis at sinabing huwag isali ang mga “batang anghel” sa mga intriga

Ipinagtanggol ni Lolit Solis sa mga bashers ang baby nila Pauleen at Vic Sotto na si Baby Talitha. Itinanggi ng isang netizen na kamukha ni Baby Talitha ang bunsong anak ni Kristine at Oyo Boy na si Vin dahil halata naman umano na si Ryzza Mae Dizon ang hawig nito.

Sinagot naman ni Oyo Boy ang basher at sinabing, “Please stop. Tali is my sister. Kung yung ibang tao nakikita na may hawig sila ng anak ko, walang problema dun. Kanya kanya yan. Tama na. Thank you.”

Ang beteranang manunulat na siya ring manager ni Pauleen Luna ay tinawag na “foul” umano na ikumpara ang bata sa hindi nila kamag-anak.

Aniya sa kanyang Instagram post, “Para maman talaga sa isang nanay, di ba, nakakainis kung sinasabing kamukha ng iba ang anak mo?”

“Ok lang kung kamukha mo o kamukha ng tatay, o kamukha ni Ms. Universe o sino pang sikat na artista, pero iyong kani-kanino ikumpara, foul naman di bah!”

Naiintindihan umano ni Manay Lolit ang inis ni Oyo. Dagdag pa niya na tigilan na ang bashing lalo na sa “munting anghel.” Aniya, “Tiyak ko naman, iyon iba may malisya ang pagko-compare, tama na, tigilan na iyan ganyan, ang mga bata angels iyan, hindi dapat sinasali sa intriga.”

Alam mo Salve, para maman talaga sa isang nanay ‘di ba nakakainis kung sinasabing kamukha ng iba ang anak mo ? Ok lang kung kamukha mo o kamukha ng tatay , o kamukha ni Ms. Universe o sino pang sikat na artista , pero iyon kani -kanino ikumpara , foul naman di bah ! Kaya understand ko inis Oyoboy kapag sinasabi kamukha ni ganito o ni ganyan si Talitha , ang kapatid niya kay Bossing Vic at Pauleen Sotto, hindi sa naiinis siya sa tao ikino compare kay Talitha kundi bakit ba kailangan i compare in the first place ? Alam nyo mga babies halos lahat iisa hulma , kaya sabi nga isang painter mga babies daw pinaka madaling I-paint dahil iisa lang features , pag laki saka mo makikita ang talagang mukha nila , ang katangian o kung kanino mas may nakuhang features , sa ama o sa ina o sa isa sa mga kapatid. Tiyak ko naman , iyon iba may malisya ang pagko-compare , tama na , tigilan na iyan ganyan , ang mga bata angels iyan , hindi dapat sinasali sa intriga. Kaya nga I understand kung bakit minsan sumasabog ang galit ni Marian Rivera pag sinasali si Zia sa usapan dahil iba mga bata . Hay naku , basta ako maligaya for Talitha , blessing siya sa buhay ni Bossing at Pauleen , happy angel siya , at sige kayo , magagalit ako di nyo ba alam kaya Talitha malapit sa Lolita , hah hah paglaki niyan monster din tulad ko hah hah ingat kayo , joke joke joke. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Source :

Pep, Instagram