Matapos ibasura ang inihaing plunder case; Trillanes nais pa ring paimbestigahan si Duterte sa diumano’y tagong yaman nito

Image captured from GMA Twitter account/Public Domain

Nais pa rin ni Senador Antonio Trillanes IV na paimbestigahan sa Senado ang diumano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ay kasunod ng pagbasura ng Office of the Ombudsman sa plunder case ni Duterte.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, si Deputy Ombudsman Melchor Carandang ang mismong sumulat sa kanya upang sabihin na noong Nobyembre 29, 2017 pa ay “closed” at “terminated” na ang reklamo laban kay Duterte.

Ani Calida, ang reklamo ni Trillanes laban kay Duterte sa Ombudsman ay walang basehan; ayon sa ulat ng ABS CBN.

If what I have is nothing but garbage, then why are they panicking? And why can’t Mr. Duterte just accept my challenge for him to sign a waiver and if I am wrong in my allegations then I would resign immediately as senator and voluntarily walk-in any jail of his choice,” ani Trillanes.

Nauna nang inihayag ng Malacañang na walang itinatago si Duterte.

Ayon kay Trillanes, hihingi ito ng permiso kay Sen. Richard Gordon, chairman of the Senate Blue Ribbon Committee, na hawakan ni  Sen. Francis “Chiz” Escudero ang imbestigasyon.

Si Escudero ang  chairman ng  Senate Committee on Banks, Financial Institutions at Currencies.

Hihilingin din umano ni Trillanes na bumuo ng subcommittee upang magkaroon siya ng sariling imbestigasyon.

Ayon naman kay Senate Majority Leader Tito Sotto, maaari nang magsagawa ng imbestigasyon si Trillanes kapag may go signal na si Gordon.