‘Napaka-secure, supportive!’ Sharon, puring-puri si Senador Kiko sa suporta sa ShaGab

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @kiko.pangilinan at @reallysharoncunetaMga imahe mula sa Instagram accounts nina @kiko.pangilinan at @reallysharoncuneta

Puring-puri ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang kabiyak na si Senador Kiko Pangilinan dahil sa suporta nito sa ShaGab (Sharon-Gabby Concepcion) love team.

Ayon sa Abante, kahit na sunud-sunod ang pagpo-post ni Cuneta ng mga larawan nila ni Concepcion, maging iyong mga kuha noong magka-love team at mag-asawa pa sila, ay wala umanong maririnig kay Pangilinan.

Then…

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

“Naku super secure si Kiko. Supportive!” sagot ni Cuneta.

Ngayong lumabas na ang reunion commercial ng ShaGab, muling nabuhay ang kanilang fans, maging ang mga iba na sa ibang bansa na nakatira. Hiling nila, umabot sana sa big screen ang pagsasama ng mga idolo nila.

Panoorin ang McDo commercial ng ShaGab:

Fact-checked against the following source(s) :

Abante, Instagram, IG, YouTube, Balita