“Okay, naman ako”: Regine nagbiro kung bakit siya ay nananatiling Kapuso

Image by Regine Velasquez via Facebook account
  • Nagkaroon ng pre-Valentine concert sina Martin Nievera, Erik Santos, Ogie Alcasid at Regine Velasquez
  • Pabirong sinabi ni Regine na kaya hindi siya aalis sa GMA ay dahil malaki ang suweldo niya dito
  • Pinalakpakan rin si Erik Santos sa kanyang performance at pinuri ni Ogie Alcasid

Masayang nakipagbiruan si Martin Nievera, Erik Santos, Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa audience ng kanilang #paMORE concert.

Nang magsimula na ang concert, kapansin-pansin na marami sa kanilang mga guests at taga-hanga ay katulad nina Vice Ganda at Angeline Quinto ay mga Kapamilya stars. Pati na rin sina Martin, Erik at Ogie ay mga taga-ABS-CBN.

Agad itong napansin ng Asia’s Songbird at ayon pa sa Pep ay sinabi niyang, “Ako lang ang taga-channel 7.”

Humirit naman si Erik at sinabihan si Regine, “Malay mo, Ate, malapit na.”

Pabiro namang sumagot si Regine, “Hindi, okay naman ako. Malaki ang bayad ko. Ang laki ng suweldo ko dun.”

Tuwang-tuwa ang kanilang audience at dinig na dinig ang kanilang tawanan.

Naging masaya ang gabi ng concert na puno ng kantahan at tawanan. Pinatunayan ni Regine na siya pa rin ang nag-iisang Asia’s Songbird sa kanyang rendition ng “Never Enough.”

Naging highlight rin ng gabi ang performance ni Erik Santos na siyang pinakabata sa kanilang apat. Ani pa ni Ogie, “Alam mo, Erik, ikaw ang dapat palakpakan. Kita mo naman, you have arrived, Erik Santos.”

This is the greatest show… #paMORE concert. 👏

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Source :

Pep, GMA