“Pagiging diktador ni Duterte walang magandang naidulot sa bansa” — Trillanes, Aquino

File photo

Binatikos nina opposition Senators Antonio Trillanes IV at Bam Aquino ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya’y isang diktador.

Sabi mo diktador, diktador talaga ako. Kapag hindi ako naging diktador, p*t*ng *na, walang magyayari sa bayan na ‘to. Totoo. Kung ‘di ako mag-diktador ngayong style ko na ‘to ngayon, walang mangyayari sa bayan natin,” ayon kay Duterte.

Ayon sa ulat ng RMN, sinabi umano ni Trillanes na walang naidulot na maganda sa Pilipinas ang dalawang taong estilong diktador ni Duterte.

Saad ni Trillanes, ginulo lamang ni Duterte ang bansa. Paniwala ng Senador na pinatay umano nito ang mga mahihirap, lalong pinahirap ang buhay ng mga Pilipino at giniba ang mga democratic institutions.

Paniwala naman ni Senator Aquino, ang nararapat ay isang pinunong may kakayahan at tunay na malasakit sa buong bayan, lalo na para sa mahihirap nating kababayan at hindi ang isang diktador.

Ginunita pa ni Aquino ang People Power. Aniya, hindi diktadurya ang makapagbibigay ng sapat na kita para sa bilihin, dekalidad na edukasyon, at kaligtasan ng pamilya na inaasam-asam ng taumbayan.

Ang diktadurya ang nagdulot ng karahasan at pagpatay, kawalan ng trabaho at kalayaan, korapsiyon at napakalaking pagkakautang; paliwanag pa ni Aquino.

 

Fact-checked against the following source(s) :

RMN, Abante, Inquirer