Planong imbestigasyon ng ICC sa war on drugs, minaliit ng Palasyo

Image from PCOO Facebook page

MAYNILA, Pilipinas  –  Bagama’t nagpahayag ng kahandaan ang Palasyo na harapin ang anumang plano ng International Criminal Court (ICC) na magsagawa ng paunang pag-aaral tungkol sa kontrobersiyal na war on drugs ng gobyerno, isa umano itong walang saysay na hakbang.

Nitong Huwebes, inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatanggap na sila ng impormasyon na magbubukas ang ICC ng ‘preliminary review’ sa reklamong ‘crime against humanity’ na inihain ng abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio  laban kay Pangulong Rdorigo Duterte.

“We view, of course, this decision of the prosecutor as a waste of the court’s time and resources,” ani Roque.

Ganunpaman, handa na rin daw si Duterte na personal na humarap sa ICC upang ipagtanggol ang sarili.

“The President has said that he also welcomes this preliminary examination because he’s sick and tired of being accused of the commission of crimes against humanity,” anang tagapagsalita ng Malakanyang.

Samantala, ikinatuwa naman ni Atty. Sabio ang magiging aksiyon ng ICC at tiwala umano siya na malalampasan ng kanyang reklamo ang unang hakbang na gagawin ng korte.

“At last, Mr. Duterte and his cohorts will face preliminary examination by the ICC prosecutor as a prelude to formal criminal investigation,” ani Sabio.

“His system of death squad killings since the Davao death squad that he continued in the war on drugs will now be investigated by the ICC and justice will be done,” dagdag pa ng abogado.

Fact-checked against the following source(s) :

Inquirer, Bombo Radyo, Kicker Daily News, GMA News