Rape suspect, natagpuang walang ulo sa gubat sa Negros Oriental

Image from DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Isang malagim na kamatayan ang sinapit ng isang rape suspect matapos matagpuan ang bangkay nito na wala nang ulo sa isang gubat sa Barangay Banban bayan ng Ayungon, Negros Oriental nitong nakaraang Linggo.

Nakilala ang lalaki na si Reneboy Barsabal Emalon, 37 anyos at resident ng Barangay Carol-an sa nasabi ring bayan.

Napag-alamang mayroong kaso ng pagpatay at panggagahasa si Emalon sa kanilang barangay na naganap noong Pebrero 7 lamang.

Bagama’t hindi pa nakikita ang ulo, kinilala ang biktima ng mga kamag-anak nito sa pamamagitan ng kanyang suot na damit.

Bukod sa pinugutan ito, tadtad din umano ng bala ng kalibre 45 ang katawan ni Emalon at marami itong sugat at gasgas sa katawan.

Hinala ng mga awtoridad, mahigit 12 oras nang patay ang lalaki bago nadiskubre ang bangkay nito.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso para matukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Fact-checked against the following source(s) :

GMA News, Facebook, Radyo Inquirer, Watchmen Daily Journal