Sekyu na tumulong sa asong makatawid sa kalsada, ‘lodi’ ngayon sa social media

Image capture from Keiza Empleo Facebook account

Hindi biro ang trabaho ng isang security guard. Hindi kalakihan ang kanilang sahod at madalas pa’y kalahati ng kanilang paa’y nasa hukay mabigyan lamang ng proteksiyon ang kanilang  binabantayan.

Nag-viral ngayon sa social media ang isang security guard na tinulungan ang isang aso na makatawid.

Sa Facebook post ni Keiza Empleo, ibinahagi nito ng isang video ng sekyu na tinutulungang makatawid ang isang aso.

Nagsilbi namang bayani ang sekyu kahit sa munting paraan.

Bagama’t hindi saklaw ng trabaho ng sekyu ang pagtulong sa aso ay ginampanan naman niya ang isang pagiging mabuting tao.

At ang isa pang nakatutuwa ay ang aso na tila nauunawaan ang malasakit ng guwardiya sa kanya.

Umani naman ng papuri si mamang sekyu mula sa mga netizens dahil sa kanyang pagtulong sa aso.

God bless you mamang sekyu!

Source :

Facebook