Sen. Pangilinan nagsalita na sa muling tambalan nina Sharon Cuneta at dating ka-love team na si Gabby Concepcion

Image capture from McDonalds Facebook account

Suportado ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang muling tambalan nina Sharon Cuneta at dating ka-love team na si Gabby Concepcion.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, tinanong ang Senador kung nakaramdam ba ito ng selos sa dalawa.

Hindi na siguro.  Matanda na tayo,” ayon kay  Pangilinan.

Sa Twitter post ni Pangilinan nitong Biyernes, sinabi nitong suportado nito ang misis sa muling tambalan nina ni Concepcion.

Wika pa ng Senador, mahalaga umano ang suporta sa mag-asawa.

Nagpahayag din ang suporta ang Senador kung sakaling matutuloy ang usap-usapang proyekto ng dalawa na dating mister ni Cuneta.

Kung ganon kainit ‘yun (commercial), dapat lang. They’re in the showbiz industry and if the public has a clamor for it, I think they should heed the clamor of the public,” anang Senador.

Nag-trending ngayon ang bagong  McDonalds commercial nina Cuneta at Concepcion.

Sabi ko nga, I have the final say in everything in our marriage: Yes, dear. Ang aming arrangement sa marriage namin simpleng simple lang: ginagawa ni Sharon ang gusto niya at ginagawa ko ‘yung gusto niya. Walang komplikasyon, ‘di ba?” saad pa ni Pangilinan na may himig ng pagbibiro.

Fact-checked against the following source(s) :

Twitter, Facebook, ABS CBN