Sharon, sinita si Gabby sa pagyakap kay Lorna?

Mga imahe mula Instagram accounts nina @lornatolentinofernandez at @reallysharoncuneta

abirong sinita ni Megastar Sharon Cuneta ang dati niyang asawa at ka-love team na si Gabby Concepcion nang makita sa isang larawan ang pagkakayakap nito sa aktres na si Lorna Tolentino.

Sa Instagram, ibinahagi ni Tolentino ang larawan nila ni Concepcion.

“Afternoon drama crossover @concepciongabby. Thank you for the family bonding dinner,” saad ng aktres.

Sa mga larawang iyon, makikita kung gaano ka-close sina Concepcion at Tolentino na noon ay ilang beses din namang nagsama bilang mag-asawa sa pelikula.

Pansinin na nag-iwan ng komento si Cuneta sa post.

“Hey that’s my ate. And you – you’re – you! Keep your hands off my sister! Hahaha! @concepciongabby @lornatolentinofernandez,” pabirong sabi ni Cuneta.

Untitled

“I love you Cappy Sis!” tugon ni Tolentino.

Untitled

“Love you, Ate ko,” sagot naman ni Cuneta.

Untitled

Magkapatid si Cuneta at Tolentino sa pelikula nilang “Nakagapos na Puso” at mag-asawa sina Concepcion at Tolentino sa award-winning na “Narito ang Puso Ko”.

sharon lorna

lorna gabby

Panoorin ang reunion commercial ng ShaGab: