Sunshine, mga non-showbiz BF ang gusto para sa kanyang tatlong anak

Imahe mula sa Instagram account ni @sunshinecruz718
Mga non-showbiz boyfriend umano ang gusto ng aktres na si Sunshine Cruz para sa kanyang tatlong anak na pawang mga babae.

Ayon sa PEP, dahil sa mga naging karanasan ni Sunshine, kung siya lang daw ang masusunod, ay ayaw niya na taga-showbiz ang magiging boyfriend ng kanyang mga anak upang maging normal ang buhay ng mga ito.

“After what I’ve experienced, I think mas okey talaga siguro for now ‘yung non-showbiz para mas normal ‘yung buhay nila,” aniya.

Grades are out!!☺️ Chesca’s general average : 95 Sam’s general average : 92 Angelina’s general average : 90 Keep it up girls! #proudmom ❤️

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Sa ngayon, wala pang boyfriend ang tatlo niyang anak na sina Angeline Isabelle, Angel Franchesca, at Samantha Angeline.

“Hindi, wala pa. Sixteen pa lang ‘yong eldest ko, thirteen, and twelve. My goodness, they’re still babies. They’re still my babies. Pero siyempre naman, matatanggap natin ‘yon na darating ang panahon na magkakagusto. Pero sabi ko, kung merong may gusto sa kanila, kailangang manligaw at pumunta ng bahay at makilala. Kung talagang malinis ang intensiyon. They’re very open. ‘Yon ang naging deal ko no’ng maging single ako, we have to be honest with each other, whatever you feel, so that I can explain things to you and vice versa. If someone is courting Mommy, I’ll let you know,” kuwento ni Sunshine.

Samantala, kinumpirma ng aktres na sa korte na lamang sila nagkikita ng kanyang dating asawa na si Cesar Montano, na siyang ama ng tatlong anak niya. Ang kanilang mga anak naman ay nakakausap din ng ama.

“Oh, yeah, dahil nga sa sasakyan na kailangang palitan, nawalan na ng preno. They are in touch with their father,” aniya.

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, ABS-CBN News, Push, Instagram