Trillanes kay Duterte hinggil sa pagkasa ng preliminary investigation ng ICC :  “No one is above the law”

Image captured from GMA Twitter account/Public Domain

Welcome development para kay Senador Antonio Trillanes IV ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na magsagawa ng preliminary investigation sa umano’y mga crimes against humanity ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat ng PhilStar, sinabi ng Senador na sana’y mapagtanto ng Pangulo na hindi siya ‘above the law’ partikular sa pagpapatupad ng war on drugs ng pamahalaan.

This development should jolt Duterte into realizing that he is not above the law,” ayon kay Trillanes.

Para kay Trillanes, ito ang unang hakbang upang makuha umano ng mga nabiktima ng kampanya laban sa iligal na droga ang hustisya.

Umaasa naman si  Atty. Jude Sabio,  isa sa mga complainants, na  ito na ang panimula para sa kanilang inaasam na isang pormal na criminal investigation laban kay Duterte.

Positibo rin si Sabio na kalaunan ay mag-iissue ng warrant of arrest ang ICC laban kay Duterte at sa mga kaalyado nito sa pagpapatupad ng war on drugs.

Ang mga kaso ng extrajudicial killings mula Hulyo 2016 hanggang sa kasalukuyan ang ilan sa mga iniimbestigahan ng ICC.