Trillanes matapos ideklarang persona non grata sa Davao: “Truth hurts”

Image captured from GMA Twitter account/Public Domain

Minaliit lamang ni Senador  Antonio Trillanes IV ang ginawang pagdeklara sa kanya ng Davao City Government bilang isang persona non grata.

Ayon sa ulat ng Brigada,  sinabi ng Senador na masakit ang katotohanan para sa mga Davaoeño na hindi nagsasabi ng totoo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag na ang Davao ang safest City in the world.

Ayon kay Trillanes, ang kanyang mga pahayag ay ibinase lamang niya sa December 2015 datos ng Philippine National Police (PNP) kung saan ang lungsod ay nakapagtala ng  pinakamataas na bilang ng murder at ikalawang pinakamataas naman sa rape.

Anang Senador, alam niyang batid  ito ng mga Davaoeño ngunit nagbubulag-bulagan lamang umano dahil sa takot na salungatin ang Pangulo.

Ang paulit-ulit na alegasyon ni Trilllanes kay Pangulong Duterte na may tagong yaman ito at pag-uugnay kay dating Vice Mayor Pulong Duterte sa drug smuggling issue ang ilan pang dahilan sa pagdedeklara sa Senador na persona non grata ng Davao.

Maliban kay Trillanes, idineklara ring persona non grata ng Davao City council ang pilantropong si Louda Nicolas Lewis dahil naman sa umano’y plano nitong ouster plot kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa International Criminal Court.