Vice Ganda kinansela ang show sa Ilocos Sur dahil ooperahan

Image by Team Vice via Facebook page
  • Hindi natuloy ang show ni Vice Ganda sa Kannawidan Festival
  • Kailangan niya sumailalaim sa operasyon dahil sa kidney stones
  • Pagkatapos magpagaling ay babalik raw ito sa Ilocos Sur

Kinumpirma na ng kampo ni Vice Ganda ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa Kannawidan Festival sa Ilocos noong Sabado, February 3. Ito raw ay dahil ang Unkabogable Star ay ooperahan dahil sa kidney stones.

Ayon sa isang Instagram post ng Team Vice ay ikinadismaya ng kanilang kampo ang pag-anunsyo na kanseldo na ang show ni Vice sa Kannawidan Festival ng Vigan, Ilocos Sur.

Kailangan umanong sumailalim sa operasyon si Vice dahil ang mga nakitang kidney stones raw ay nagdudulot na ng matinding sakit sa tiyan o abdominal pains sa kanya.

Pagkatapos ng pagpapagaling ni Vice ay irere-schedule niya ang kanyang bisita sa Ilocos Sur.

Aniya sa post, “We regret to announce that Vice Ganda’s appearance tonight at the Kannawidan Festival 2018 at Tamag Open Ground, Vigan City, Ilocos Sur will be cancelled. Vice had to through a surgical procedure due to kidney stones which have caused him severe abdominal pains. once recovered, Vice will re-schedule his visit in Ilocos Sur. The festival on the other hand will still push through.”