[Video] Aga at Charlene, proud parents sa basketbolistang si Atasha

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @agamuhlach317 at @atashamuhlach_

Proud parents mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa husay ng dalagita nilang anak na si Atasha Muhlach sa paglalaro ng basketbol.

Sa kani-kanilang Instagram accounts, kapwa nag-post sina Aga at Charlene ng short video ng huling segundo ng paglalaro ng basketbol ng kanilang anak.

Sa naturang video nagdi-dribble si Atasha para sa free throw para sa inaasahang one point upang makatabla ang team nila sa kalaban. Nagawa namang maipasok ng dalagita ang bola.

“Free throw shot to tie the game! And she made it! And we won! Go Atsha! Congrats to the BSM team!” ani Aga sa caption ng post niya.

[Isang free throw shot ang kailangan para maging tabla ang laban. At nagawa niya! Nanalo kami! Go Atsha! Binabati ko ang BSM team!]

“Congratulations to the BSM girls basketball team! Proud of all of you!” sabi naman ni Charlene.

[Binabati ko ang BSM girls basketball team! Ikinararangal ko kayo!]

Maliban sa pagiging varsity player, isa ring painter si Atasha. Sa mga naunang post ni Aga ay ipinakita niya ang ilan sa mga sample painting ng kanyang anak.

Samantala, hindi lang si Atasha ang magaling sa larong basketball, kung hindi pati na rin ang kanyang kakambal na si Andres. Sa katunayan, marami ang nagsasabing sumusunod ito sa yapak ni Kobe Paras.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, IG, Abante