”Yung ikaw na lang nag-aalaga sa sarili mo!’ Jollibee photos, nagpasaya sa libu-libong Twitter users

Mga mahe mula sa Twitter account ni Russelle Hernandez‏

Sa Jollibee, BEEda yata talaga ang saya.

Naghatid ng tawa at tuwa sa libu-libong Twitter users ang mga larawan ng isang Jollibee mascot at isang Jollibee statue na ayon sa mga nakakita ng pictures ay nagpapakita ng self love.

Ini-upload ni Russelle Hernandez ang larawan kung saan parang pinupunasan at pinagdarasal ng mascot ang istatwa.

“‘Yong ikaw na lang nag-aalaga sa sarili mo #selflove2018 @Jollibee,” wika niya sa caption.

Nag-viral ang nasabing larawan at nagpasaya ng libu-libong Twitter users.

“Self love is the best love. Jbee (Jollibee) is love,” C tweeted.

“Buti pa siya nahanap n’ya na Jollibae nya,” kumento ni FK.

“Lots of love,” wika ni A.

As of posting, nakakuha na ang post ng halos 8,000 na retweets at 28,000 likes.

Source :

Twitter