#1stJollibeeinEurope! Kauna-unahang Jollibee sa Milan, Italy dinagsa ng mga Pinoy

Image capture from Jollibee Italia Facebook account

Talagang kakabit na ng mga Pinoy sa buhay nila si Jollibee!

Naging mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa kauna-unahang Jollibee sa Milan, Italy.

Sa Facebook post ng Jollibee Italia, ibinahagi nito ang mga larawan ng opening ng naturang fast food chain noong Marso 18. Nagmistula namang box office hit ang restaurant dahil sa haba ng pila nito.

Talaga namang dinayo ng mga Pinoy ang fastfood chain at nagpiyesta sa mga kilalang pagkain nito tulad ng Chickenjoy, Yumburgers, palabok at sweet spaghetti.

Ayon sa isang netizen: “Our first customer for the day also happens to be our last! Odessa loved the #1stJollibeeinEurope so much, she came back a second time with her family.”

Dahil hindi na iba sa mga Pinoy si Jollibee, hiling ng mga Pinoy doon na sana’y magkaroon pa ng maraming branch ng Jollibee sa Europe.

May humirit pang: “Sana magkaroon ng tuna pie, chocomallows at peach/mango pie at rockyroad sundae twirl.”

Beeda talaga ang saya kay Jollibee!

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, GMA, ABS CBN