Ayaw makasama? Roque mahihirapan umanong tumakbo bilang Senador kung kasama si Bam Aquino sa PDP-Laban

Image capture from PhilNews Facebook account/File Photo

Senador Bam Aquino, sasanib sa PDP-Laban?

Mahihirapan umanong tumakbo bilang Senador si presidential spokesperson Harry Roque kung kasama si Senador Bam Aquino sa partido ng PDP-Laban.

Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng naiulat na isasama si Aquino sa senatorial slate ng PDP-Laban; ayon sa ulat ng PhilStar.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, kinukunsidera nilang  isama ang reelectionist na miyembro ng Liberal Party bilang guest candidate ng ruling party.

Hindi naman masiguro ni Roque kung ano ang magiging reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pagsama kay Aquino sa PDP-Laban.

Tatapatin ko kayo. Noong mga pagkakataon na narinig ko ang presidente na magkalkula kung sino ang mananalo, kung sinong hindi at kung sino ang dapat mapasama, hindi ko pa po naririnig sa dibdib ni Presidente na si Bam Aquino ay mapapasama sa administration party,” ayon kay Roque.

Maliban kay Roque, sinabi umano ni Duterte na kanyang susuportahan sa 2019 sina Special assistant to the president Bong Go at Francis Tolentino.

Siyempre mas madaling manalo ‘no kung nasa administration party ka,” ani Roque.

Sinabi naman ni Roque na nais niyang tumakbo bilang senador ngunit hindi sapat ang kanyang pera at makinarya.

Am I disappointed? Of course, I am. Do I want to run? Yes, I do. But the reality is 14 months from now, you need P500 million – that’s minimum,” ani Roque.

Fact-checked against the following source(s) :

PhilStar, GMA