Bahagi ng Manila Pavillion Hotel nasunog; apat kumpirmadong nasawi

Kuhang larawan ni Joselito H. Sepe mula sa ABS-CBN News

Nasunog ang ikalimang palapag ng Manila Pavillion Hotel and Casino sa UN, Ermita, Manila nitong Marso 18, 2018, Linggo.

Nagsimula ang sunog sa ganap na 9:30 ng umaga at umabot sa ikalimang alarma sa ganap na 10:09 am,

Apat na ang kumpirmadong nasawi sa naturang sunog.

Ayon kay Johnny Yu, direktor ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council o RRMC, dead on arrival sa Manila Doctors Hospital ang isang security guard ng hotel at tatlong iba pa. Anim na katao rin ang nasaktan sa insidente habang tinatayang 19 hanggang 20 rin umanong tao ang na-trap sa isang palapag ng gusali na ni-rescue na ng kanilang team.

Ayon naman sa panayam ng DZMM kay Insp. Crossid Cante, Operations chief ng Bureau of Fire Protection-Manila, inaalam pa kung paano nagsimula ang sunog, subalit ayon sa ilang mga kawani, may nagwe-welding sa naturang palapag na under renovation. Bahagi ng casino ang ground at second floor, na mayroon ding ilang restaurant.

Samantala, pinaaalalahanan naman ang publiko na mag-ingat lalo’t ang Marso ay Fire Prevention Month.

Fact-checked against the following source(s) :

Inquirer. Net, ABS-CBN News, GMA News Online, InterAksyon