“Baka ma-clear niya ako”: Bong Revilla handa sa pagsasalita ni Napoles

Image by President Rodrigo Duterte Supporters via Facebook page
  • Handa umano si Ramon “Bong” Revilla Jr na humarap si Janet Napoles ukol sa pork barrel scam
  • Umaasa ang dating senador na makatutulong ang pahayag ni Napoles sa kaso niya
  • Iginiit niya na wala siyang koneksyon kay Napoles at Benhur Luy

Para kay Ramon “Bong” Revilla Jr ay mas makabubuti umanong mabigyan na ng pagkakataong magsalita si Janet Napoles ukol sa nalalaman niya sa pork barrel or Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Ito ay kasunod ng pagtanggap ng Department of Justice (DOJ) kay Janet Lim Napoles sa Witness Protection Program (WPP).

Ani pa ni Revilla sa ABS-CBN, “Okay lang sa akin. Dati ko pa naman sinasabi na magandang mag-testify siya. Wala naman ako nakikitang problema doon, baka nga makatulong pa sa kaso ko ‘yun. Baka nga ma-clear pa niya ako, kaya mas maganda kung siya umupo.”

Iginiit ni Revilla na hindi niya kilala ang sinasabing mastermind ng PDAF scam na si Napoles at ang whistleblower na si Benhur Luy.

Sabi niya, “Wala naman silang napatunayan. Hindi ko naman kilala si Napoles. Hindi ko naman kilala si Benhur Luy, nanggaling na rin mismo sa bibig niya na hindi niya ako nakikita, na hindi niya ako kilala. Wala rin silang napatunayan na may pumasok sa bank accounts ko, ni piso wala silang napatunayang pumasok.”

Mabigat umano ang loob ng dating senador na umabot na sa 1,375 na araw ang kanyang pamamalagi sa kulungan. Ang kanyang mga dating kasama na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile ay pansamantalang nakalaya na.

Ani pa ni Revilla, “Ako na lang ‘yung naiwan (sa kulungan). Unfair naman yata ‘yun. Tatlo kaming pinin-down na senador pero ako na lang naiwan.”

Fact-checked against the following source(s) :

GMA, ABS-CBN