Bea Alonzo, gaganap na madre sa bagong pelikula kasama si Ms. Charo Santos-Concio

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio

Gaganap bilang madre ang aktres na si Bea Alonzo sa unang pagsasama nila sa pelikula ng batikang artista at isa sa mga big bosses ng ABS-CBN kapamilya Network na si Ms. Charo Santos-Concio.

Nagkaroon ng pasilip si Bea sa kanyang role matapos niyang i-post sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan habang nakasuot ng pang-madre sa first day shooting ng pelikula nilang may working title na “Eerie.”

First day as "PAT" 🙏🏻 #eerie #buhaypelikula 🎬

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

Maraming “first time” sa pelikulang ito ni Bea.

First time niyang sasabak sa isang horror film. First time niyang makakasama at makatatrabaho si Charo Santos-Concio at first time rin niyang gaganap bilang madre sa isang pelikula.

Sanay ang lahat na may love interest sa kanyang mga pelikula at teleserye ang aktres, kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga ang nasasabik nang mapanood ulit sa big screen ang magaling na aktres.

Ang huling proyekto na ginawa ni Bea ay ang teleseryeng A Love To Last kasama sina Ian Veneracion at Iza Calzado.

Ikalawang comeback naman ito ni Charo Santos-Concio sa pelikula matapos ang award-winning film na Ang Babaeng Humayo sa direksyon ni Lav Diaz.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, Star Cinema, YouTube