‘BEST FEELING in the world’! Pulis na nagpakain ng batang lansangan ‘lodi’ ngayon sa social media

Image capture from Shaun Mazo Facebook account

Kung inaakala ng marami na kakaunti na lamang ang mga pulis na katulad ni Ricardo Dalisay, baka naman p’wedeng isipin na marami pa ring matitino at mababait na alagad ng batas.

Gaya na lamang nitong ‘Lodi’ ngayon sa social media na isang pulis na nagmalasakit sa isang batang lansangan.

Sa Facebook mismo ng  pulis na si Shaun Mazo, ibinahagi nito ang kanyang natatanging karanasan sa pagpapakain sa isang batang lansangan.

Image capture from Shaun Mazo Facebook account
Image capture from Shaun Mazo Facebook account

Ayon kay Mazo, ang pag-post sa social media ng pangyayaring ito’y hindi pagpapasikat; bagkus panawagan din sa mga magulang na iresponsable sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Salaysay ni Mazo, siya’y naka-duty sa MRT sa Boni nang may isang batang lansangan na nakatawag ng kanyang pansin.

Doon ay tinanong niya ang bata kung ano ang hiling nito. Agad namang nagturo ng laruan. Hindi naman pinagdamot ng pulis ang laruan at binili niya ito para sa bata. Kasabay nito ay pinakain pa niya ito sa isang kilalang fastfood chain.

Image capture from Shaun Mazo Facebook account
Image capture from Shaun Mazo Facebook account

Napag-alaman ng pulis na marami palang nagpapakain sa bata dahil talaga namang kinaaliwan ito.

Wala na rin umanong magulang ang bata at siya’y tinawag pang ‘papa’ nito.

Ang karanasang ito sa naturang pulis ay hindi matutumbasan ng kahit anuman.

Higit pa sa pagiging pulis ay  nabigyan pa niya ng mas malalim na kahulugan ang kaniyang pagiging public servant.

Para kay Mazo, ang pagtulong sa kapwa ay ‘BEST FEELING in the world.’

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook