Cathy Garcia-Molina, aminadong ‘dinurog ang ego’ nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach para sa magandang resulta ng ‘My Perfect You’

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Pia Wurtzbach at Cathy Garcia-Molina

Kung tatanungin ang mga datihan at baguhang aktor sa industriya ng showbiz kung sino-sino sa mga direktor ang kanilang kinatatakutan, isa sa mga pangalang mababanggit ang award-winning at box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Ayos ba?

A post shared by Cathy Garcia Molina (@direkcathyg) on

Hindi na rin mabilang ang mga pelikulang idinirehe ni Direk Cathy na talaga namang tumabo sa takilya at tumatak sa isip at puso ng mga Pilipino.

Sa pinakabagong pelikulang ginawa niya na My Perfect You na pinagbibidahan sa kauna-unahang pagkakataon nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach, inamin ni Molina na “dinurog niya ang ego” ng dalawa, na unang beses niyang nakatrabaho.

"You rock my world" – Burn #myperfectyou #abi #burn

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

Kuwento ng batikang direktor, tahasan niyang sinabi kay Gerald na hindi siya nagagwapuhan dito, at hindi siya nagagalingan dito. Tanging ang performance lamang ng aktor sa pelikulang Always Be My Baby ang nagustuhan umano ni Direk Cathy, kaya hinamon niya ito na mas paghusayan pa ang kanyang gagawing pag-arte sa pelikula.

Sinabihan naman niya ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na “mataba” ito at hindi sapat ang ganda para maging artista. Sinabihan din niya ito na hindi niya alam kung may acting skills ito dahil ikalawang pelikula lamang niya ito.

[Sundan sa ikalawang pahina]

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »

Fact-checked against the following source(s) :

Yahoo Entertainment, Push, Inquirer. Net