Complete family! Photo ng mag-anak ni “Victor Buenavidez” ng teleseryeng The Good Son, good vibes sa social media

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Jerome Ponce at Eula Valdez

Isa sa mga inaabangan at award-winning teleserye ngayon ng ABS-CBN Kapamilya Network ang The Good Son na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Jerome Ponce, Nash Aguas, McCoy de Leon at Loisa Andalio kasama ang mga batikan at de-kalibreng artistang sina Eula Valdez, Mylene Dizon, Liza Lorena, John Estrada (na pinatay na ang karakter na si Anthony Buenavidez) at Albert Martinez (na siyang pinatay sa kuwento).

Umiikot ang istorya nito sa pagtuklas ni Joseph (Joshua Garcia) at ng pulisya kung sino ba talaga ang pumaslang kay Victor Buenavidez na ginampanan ni Albert Martinez.

Nagustuhan ng mga manonood ang twist at takbo ng istorya nito dahil halos lahat ng karakter ay maaaring isiping mastermind sa paglason kay Victor. Hindi kataka-takang nakatanggap na kaagad ito ng mga parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Good vibes sa mga netizen ang pagsasama sa iisang photo nina Albert Martinez, Eula Valdez, Nash Aguas, at Jerome Ponce na gumaganap na mag-anak sa naturang teleserye.

#TheGoodSon Kumpleto na kame! 👨‍👩‍👦‍👦 Sino ba talaga? 🤷🏻‍♂️🙍🏻‍♂️ Happy na sana kaso.. may mga hawak lang 😫

A post shared by Jerome Ponce (@mrjeromeponce) on

Samantala, hindi nawawalan ng project si Albert Martinez sa Kapamilya Network dahil nakasama rin siya sa fantaseryeng Bagani.

Mapapanood ang The Good Son gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, Instagram