Cynthia Villar: “Walang masama sa ‘political dynasty’

Image via Facebook account of Cynthia A. Villar and via Instagram account of Manny Villar

“Walang masama sa “political dynasty” basta’t alam ng publiko na mabuti ang mga ibobotong kandidato.”

Ito ang itinugon ni Senador Cynthia Villar sa isang mamamahayag hinggil sa kung mahalaga ba ang “anti-dynasty measure” sa pag-amyenda ng Konstitusyon.

Ayon kay Villar: “It is here to stay. What is important is that it is a good dynasty. It’s something that is natural.”

Paliwanag niya: “What is important is that people learn to elect good public officials, whether they belong to one family or not.”

Binanggit din ng senador na maging ang mayayamang bansa tulad na lamang ng Estados Unidos ay may mga “political dynasty”.

Para sa senador, dapat umanong maturuan ang mga mahihirap na maging ‘economically independent’.

Aniya, ito ay upang maging ‘politically independent’ ang mga ito at makaboto sila ng mga karapat-dapat na mga kandidato.

Dagdag pa ng senador, ang Kongreso pa rin ang magpapasya sakaling irekomenda ng Constitutional Committee ang abolisyon ng “political dynasties” sa isinusulong na bagong Konstitusyon.

Pinamumunuan ni dating chief justice Renato Puno ang naturang Constitutional Committee, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer.

Sa inisyal na ulat ng News Portal, kasalukuyang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang anak ng senador na si Mark Villar habang asawa naman niya ang dating senador na tumakbo noon sa pagkapangulo na si Manny Villar.

Fact-checked against the following source(s) :

Radyo Inquirer, News Portal, Inquirer, Facebook, Instagram