Darren, kilig na kilig sa ‘ultimate crush’ niyang si Kathryn

Images via @darrenespanto's Instagram account

Kilig na kilig ang young singer na si Darren Espanto na sa wakas ay nakatabi na niya sa ASAP Chill Out stage ang kanyang “ultimate crush” na si Kathryn Bernardo.

Sa Instagram, dalawang ulit na nagbahagi si Espanto ng larawan nila ni Bernado.

“Couldn’t think of a caption. Can’t explain what I felt earlier either,” saad niya sa caption ng isa.

[Hindi ako makaisip ng caption. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang naramdaman ko kanina.]

https://www.instagram.com/p/BgdIp9CBHUl/?utm_source=ig_embed

Habang nilakipan naman niya ng “good night” ang isa pang larawan na ibinahagi niya.

Good night

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto) on

Nauna nang sinabi ni Espanto na kung siya ay papipiliin ng magiging ka-love team, ang nais daw niyang maging kapareha ay si Bernardo.

“She’s been my childhood crush ever since she was in Goin’ Bulilit and Super Inggo,” wika ni Espanto.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, Balita DF