Direk Cathy, nakikita raw si John Lloyd sa acting ni Gerald

Mga imahe mula sa Instagram accounts na @andersongeraldjr at @johnlloydcruztm

Isang malaking papuri raw para kay Gerald Anderson ang maikumpara ang acting niya sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Ayon sa Abante, sa presscon para sa pelikulang My Prefect You, inamin ng direktor na si Direk Cathy Garcia-Molina na nakita niya si Cruz sa acting ni Anderson sa nasabing pelikula. Dahil dito, may mga napaisip na mukhang may kapalit na ang nagpapahinga sa showbiz na si Cruz.

Gayunman, ang maikumpara lamang daw kay Cruz ay isang napakalaking papuri at biyaya na para kay Anderson dahil isa ito sa mga iniidolo niya.

“For my name to be in the same sentence with John Lloyd, it’s a huge compliment, maybe one of the biggest compliments I’ve ever received,” saad ni Anderson.

[Para mabanggit ang pangalan ko sa isang pangungusap kung saan naroon ang kay John Lloyd, malaking papuri na iyon, siguro isa sa pinakamalalaking papuring natanggap ko.]

“As an actor, he’s one of the actors that I aspire to be or affect people the way he has affected people,” dagdag niya.

[Bilang isang aktor, isa siya sa mga pangarap kong maging, o pangarap kong maapektuhan ang tao kung paano niya sila naapektuhan.]

Magaganda ang mga komento para sa aktor sa kanyang pagganap sa My Perfect You; maging sa leading lady niyang si Pia Wurtzbach.

https://www.instagram.com/p/BgTKglVFIDy/?taken-by=andersongeraldjr

Narito ang trailer ng My Perfect You:

https://www.youtube.com/watch?v=jxVAZqdQjOs

Fact-checked against the following source(s) :

Abante, Balita DF, Instagram account, YouTube