European Theme na Jollibee sa Lucban, Quezon kinaaaliwan ngayon sa social media

Image capture from Viral photo Facebook account

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang isang European Theme na Jollibee fast food chain sa Lucban, Quezon.

Sa Facebook post ni  Michael Angelo Adona sa pamamagitan ng Viral Photo Facebook account ibinahagi nito ang natatanging istraktura ng fastfood chain sa Lucban Quezon.

Ito ay may caption na: “Gusto ko pumunta dito!  Located at La Doña Ana Building, 72 Quezon Avenue, Lucban, Quezon.”

Aba at talaga namang hinangaan ito ng maraming netizens dahil sosyalin ang dating ng fastfood chain na ito.

Makikita sa mga ibinahaging larawan na tila ikaw ay kumakain sa mga European restaurant dahil sa anyo nito.

Tsarskaya Pkhota (Russian Cuisine) Image capture from Haute Living
Tsarskaya Pkhota (Russian Cuisine)
Image capture from Haute Living

Ayon sa ilang mga netizens, sinauna ang Jollibee na ito sa Lucban, Quezon. Sumusunod din ang restaurant sa mga batas na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan tulad ng hindi paggamit ng mga plastic sa kanilang branch.

Kaya naman maging ang hindi taga-Lucban ay naeengganyo na ring dumayo sa naturang fastfood chain.

Samantala ipinagmamalaki naman ng mga taga-Vigan, Ilocos ang kanilang classical theme na Jollibee.

Image capture from Shyryl Dela Cruz post
Image capture from Shyryl Dela Cruz post
Fact-checked against the following source(s) :

Facebook