‘Hinintay ko mag-18’: Miguel, hiningi ang basbas ng buong angkan ni Bianca para manligaw

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @nelsoncanlas at @bianxa

Pormal na hiningi ng aktor na si Miguel Tanfelix ang permiso ng lola at ng “buong angkan” ng ka-love team niyang si Bianca Umali upang makapagsimula na siya sa panliligaw sa aktres.

Sa Instagram, ipinost ng GMA reporter na si Nelson Canlas ang video ng speech ni Tanfelix, kung saan hiningi ng aktor na basbas ni “Mama Vicky”, ang lola ni Umali.

“Eighteen years old ka na. Finally, puwede ko nang sabihin sa ‘yo ‘yong matagal ko nang gustong sabihin,” sabi ni Tanfelix kay Umali.

Ngunit bago niya sabihin ang lahat sa kanyang iniibig, minabuti muna ng aktor na magpaalam sa lola nito kung maaari ba niyang ligawan ang aktres.

“Pero, siyempre, bago ako magpaalam sa iyo, kay Mama Vicky muna,” sabi niya sa other half ng tambalang BiGuel.

“Mama Vicky, ngayong 18 na po si Bianca, hihingin ko po sana ‘yong permiso niyo. Puwede ko po bang i-express kung ano po ‘yong nararamdaman ko para sa magandang dalaga dito?” tanong ng aktor sa matanda.

Napagtanto rin ni Tanfelix na naroon ang lahat ng kamag-anak ni Umali kaya kaagad niyang sinabi, “Andito pala ‘yong buong angkan nila.”

“Manliligaw pa lang naman po ako kay Bianca, especially sa inyo, kailangan ko pa pong kunin yung loob niyo,” wika ng aktor.

Ang hiling ng lola ng aktres, sana raw ay huwag mainip ang aktor sa tamang panahon para sa pag-ibig.

“Miguel, sa larangan ng pag-ibig hinay-hinay…. Kasi apo, ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim. So hinay-hinay lang tayo. Darating din iyan, huwag kang mainip, sa tamang panahon,” aniya.

with Mommy Vicky 💕💕💕 @migueltanfelix_ ig story #SimplyBianca

A post shared by Rowena F. Dasigan (@whengdasigan) on

Panoorin ang nakakakilig na paghingi ni Tanfelix ng permiso sa lola ni Umali:

Narito naman ang nakatutuwang tugon ng “Mama Vicky” ni Bianca:

This is the cute response of Bianca Umali’s lola to Miguel’s request. @gmanews

A post shared by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) on

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, PEP, IG, IG