Jake Zyrus nag-topless sa isang beach

Image capture from Jake Zyrus Instagram account

Usap-usapan ngayon sa social media ang singer na si Jake Zyrus o dating Charice Pempengco dahil pagta-topless nito.

Sa Instagram post ni Jake, tila nag-eenjoy ito sa summer sun nang lumangoy ito at nag-selfie. Ayun at walang takip ang kanyang upper body.

Ito ay may caption na: “Di pa game eh. Pero yung go pro atat. Kala mo tuloy naghahanap ng away. Hahaha!

Di pa game eh. Pero yung go pro atat. Kala mo tuloy naghahanap ng away. Hahaha! #anguibbeach

A post shared by Jake (@jakezyrusmusic) on

Kapansin-pansing naka-off ang comment  function sa IG ni Jake.

Nauna nang inihayag ni Jake na siya’y nagpatanggal ng dibdib. Maliban pa rito lumalago na rin ang kanyang mustache at lumalalim na rin umano ang kanyang boses.

Minsan na rin siyang nagbiro na siya’y masaya kapag nag-choke ang kanyang boses kapag umaawit.  Ito raw ay nangangahulugan na ang kanyang high-pitched voice ay kay Charice.

 

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Inquirer