Jessy Mendiola pasok na rin sa “Ang Probinsiyano”

Image capture from video by ABS-CBN News

MAYNILA, Pilipinas – Patuloy pa ring humahaba ang listahan ng mga artistang nadadagdag sa cast ng “Ang Probinsyano”; ang maaksiyong teleserye na pinagbibidahan ni Kapamilya actor Coco Martin.

Nitong Martes, lumabas ang karakter na ginagampanan ni Jessy Mendiola bilang isang doktor na gumamot sa mga sugatang kakampi ni Ricardo Dalisay.

Hindi pa matiyak kung magtatagal sa programa ang karakter ng girlfriend ni Luis Manzano, subalit isa si Jessy sa mga bagong artistang sumulpot sa sikat na teleserye.

Nitong buwan, ang mga artistang napasama sa cast ng “Ang Probinsyano” ay kinabibilangan nina Mark Anthony Fernandez, Dawn Zulueta, Rowell Santiago, at Edu Manzano.

Sa episode nitong Martes, hindi pa nagkikita ang karakter nina Jessy at Coco at hindi pa sila nagsasama sa isang eksena.

Huling napanood sa isang drama sa telebisyon ang sexy actress sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” noong 2016 pa kung saaan siya gumanap bilang isang pole dancer.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS-CBN News, Fashion Pulis