JM, umaming isinuko na ang kanyang karera sa showbiz pagkatapos ma-rehab ng 2 beses

Imahe mula sa Instagram account ni @1migueldeguzman

Inamin ng aktor na si JM de Guzman na isinuko na niya ang kanyang karera sa showbiz matapos ang dalawang beses na pagkakapasok niya sa rehabilitation center.

Ayon sa PEP, hindi na raw inaasahan ni de Guzman na may babalikan pa siyang showbiz career pagkatapos ng lahat.

“Wala na, actually tinanggap ko na nung nasa loob ako. Sabi ko, Wala na ito, pinagbigyan na ako. Iniyak ko na dun. Sabi ko, sige, paglabas ko, aarte-arte na lang, indie films, teatro. Gagawin ko pa ring umarte, pero ‘yung aasa ako na makukuha ko uli ang goals ko, bibitawan ko na. Pero may chance pa pala,” ani De Guzman.

Muli siyang kinuha ng Kapamilya Network at magiging bida pa sa teleseryeng Araw Gabi, katambal si Barbie Imperial.

https://www.instagram.com/p/BfdM2Ail-x-/?taken-by=1migueldeguzman

Labis daw ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang natanggap at lalo na sa mga fans na nagmamahal at sumusuporta pa rin sa kanya.

“Kina-count ko lang talaga yung mga natatanggap kong blessings. Ito ‘yung mga hindi mo ma-explain na, Saan nanggaling ‘yun? ‘Yung love something na ite-treasure ko… masarap siya sa pakiramdam. It keeps me on my feet, it keeps me grounded, motivated, and inspires me to do better. Sa mga fans ko, salamat, salamat sa support, sa love, sa pagwe-welcome uli sa akin, sa pagpapatawad. I’ve let you down, I’m sorry. No promises, but I will try my best,” pahayag niya.

Inamin din ng aktor na nasa proseso pa rin siya at halos araw-araw daw ay mayroon pa siyang counselling session.

“Kasi slowly, bini-build pa rin namin ‘yung confidence ko from the scratch. Kasi lahat before, false confidence,” aniya.

Gayunman, masaya umano ang aktor dahil nakikita niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng lahat.

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang posibilidad na magkaroon ng sequel ang pinagbidahan nila ni Angelica Panganiban na That Thing Called Tadhana (2014).

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, ABS-CBN News, Balita DF, Instagram, YouTube