John Prats, nagtatagumpay na sa larangan ng pagdidirek

Imahe mula sa Instagram account ni @iamjohnprats

Nagtatagumpay na ngayon sa larangan ng pagdidirek ang actor-director na si John Prats.

Ayon sa PhilStar, sobrang busy ngayon ang schedule ni Prats sapagkat maliban sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at Banana Sundae, pinaglalaanan niya rin ng oras ang pagiging direktor hindi lamang ng music video kundi pati na rin sa stage live concerts.

Kuwento niya, biglang dumagsa nang husto ang mga offer sa kanya. Minsan nga raw, may mga offer na gustuhin man niya ay hindi na niya magawang tanggapin dahil sa kanyang siksik na schedule. Pinangangasiwaan na rin kasi niya ang Bright Bulb Productions na kanyang itinatag kasama ang mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Sam Milby.

Matapos ang matagumpay na pagdidirek sa music video at first major solo concert ni Moira dela Torre, pinaghahandaan naman niya ang nalalapit na magkahiwalay na solo concerts nina K Brosas at Richard Poon sa buwan ng April at May.

Samantala, isa sa hit music videos na idinirek ng Bright Bulb Productions ay ang kantang Malaya ni Dela Torre, na may mahigit apat na milyong views na:

Fact-checked against the following source(s) :

PhilStar, Instagram, Instagram, IG, YouTube