Joshua at Loisa, hindi nag-uusap sa set pero nakapagpapakilig onscreen

Imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment

Aminado ang aktres na si Loisa Andalio at ang kapareha niya sa The Good Son na si Joshua Garcia na hindi sila nag-uusap sa set. Dahil dito, marami ang humahanga sa kung paano nila nagagawang magpakilig ng maraming viewers.

Ayon sa PEP, bagama’t may kanya-kanya nang kapareha ang dalawang dating Pinoy Big Brother housemates ay silang dalawa ang magkatambal ngayon sa The Good Son at marami silang napahahanga dahil sa pagiging propesyunal nilang dalawa kahit pa dati silang na-link sa isa’t isa.

“Kinikilig ba kayo? Kailangan naming gawin ang trabaho namin kundi matatalakan kami, baka sabunin kami. Kailangan, e,” ani Andalio.

Dagdag pa ng aktres, nasanay na rin daw siya na kaeksena si Garcia.

“Hindi na rin bago sa akin siyang kaeksena, kasi may ginawa kami dati na teleserye and MMK. Kaya hindi na bago sa akin na magkaeksena kami,” aniya.

Ang onscreen parter na ngayon ni Andalio ay si Ronnie Alonte, na malapit talaga sa aktres.

💑👸🏻

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

Habang si Garcia naman ay kay Julia Barretto, na napababalitang kasintahan niya.

Narito ang isa sa mga eksena nina Andalio at Garcia sa The Good Son:

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, Instagram, IG, YouTube