Makalipas ang 1 dekada sa GMA: Ika-6 Na Utos star Ryza, lumipat na sa ABS-CBN?

Mga imahe mula sa Instagram account ni @iamryzacenon

Pagkatapos ng mahigit isang dekada sa GMA, lumipat na nga ba sa ABS-CBN ang Ika-6 Na Utos star Ryza Cenon?

Ayon sa PhilStar, hindi nangyari ang sinabi ng aktres na mananatili siyang Kapuso kahit contract artist na siya ng Viva Artist Agency dahil lumipat na ito sa Kapamilya Network.

Noong nakaraang taon ay kinumpirma ng GMA Artist Center ang pagkalas ni Cenon sa kanila. Pumirma na rin ang aktres ng exclusive five-year contract sa Viva Artists Agency noong  Hunyo 15.

Matapos ito, nanatili pa rin si Cenon na bahagi ng hit afternoon drama series na Ika-6 Na Utos, kung saan gumaganap siya bilang ang kontrabidang si Georgia.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Cenon tungkol sa kung ano ang naghihintay sa kanya pagkatapos ng Ika-6 Na Utos na nagtapos nitong Sabado.

Karera ni Ryza

Nagsimula ang karera ni Cenon noon manalo siya sa Starstruck (Season 2, 2004).

Kamakailan ay natupad din ang pangarap ni Cenon na maging bida sa isang pelikula. Sa tagal niya raw sa showbiz ay noon lang siya nagkaroon ng pelikulang mainstream na siya ang bida.

“Sa 12 years ko po, ngayon lang po ako nakagawa ng pelikula. And may pressure for me kasi hindi ko alam ‘yung process,” aniya.

Fact-checked against the following source(s) :

PhilStar, Balita DF, Instagram