Makisig, isinantabi ang pagiging chef sa Australia para sa Bagani role

Mga imahe mula sa Instagram accounts na @makisig228 at @baganitvph

Naudlot umano ang pagiging chef ni Makisig Morales dahil sa magandang alok ng Kapamilya Network.

Ayon sa PhilStar, malapit na ang singer-actor na si Morales noon sa pangarap niya na maging isang chef sa Australia nang tawagan siya ng pamunuan ng ABS-CBN para gawin ang proyekto.

“Nag-aral po ako sa Australia, nakapagtapos ako. Nag-work ako ng part time. Nakapagtapos ako roon ng Culinary Arts, mag-aapply na ako ng chef sa mga restaurant. Tapos nag-offer ang ABS-CBN, sabi ko, wait, backout muna ako. I need to do it (Bagani),” aniya.

Lamb masala curry. More like "this food is yummy! 🙂 (c) @procopio04

A post shared by Makisig Morales (@makisig228) on

Magugunitang ilang taon na rin itong naninirahan sa Australia kasama ng kanyang buong pamilya.

“Kakatapos ko lang ng schooling, minessage po nila sina Mom and Dad kung okay lang ba akong gawin iyong role. Tinanong ako nina Mom, siyempre nag-opo ako kaagad kasi that time nami-miss ko na rin po talaga iyong shooting, taping,” kuwento ni Morales.

Labis ang pasasalamat ng binata sa Kapamilya network sa muling pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

“Sobra-sobrang gandang comeback. Kaya noong nabanggit nga nila sa akin na magkakaroon ng ganito, sabi ko, wow! Thank you. They really searched for me. Nasa Australia ako, at para lang pabalikin ako rito ay napaka-heartwarming. Sobrang thankful ako sa ABS-CBN, sa Star Creatives at binigyan na naman ako ng opportunity at blessing po,” pahayag niya.

Natutuwa rin daw si Morales dahil sa magagandang feedback na kanyang naririnig tungkol sa teleseryeng Bagani.

Wala rin umanong siyang nararamdamang pagkailang sa kanyang mga kasamahan sa serye na sina Liza Soberano, Enrique Gil, Sofia Andres, at Matteo Guidicelli.

Narito ang isang video clip ng Kapamilya network mula sa panayam kay Morales.

Click the image to watch the video shared by ABS CBN
Click the image to watch the video shared by ABS CBN

 

Fact-checked against the following source(s) :

PhilStar, Instagram, IG, YouTube