Sino’ng may sala? Sensitibong video umere sa digital billboard sa Makati

image captured mula sa video ni Mulong Sermonia at Twitter accounts ng ilang mga netizen mula sa ABS-CBN News

Isang malisyoso at sensitibong video ang bigla na lamang umere sa isang digital billboard na matatagpuan sa Executive Building Center sa Makati Avenue, Makati City nitong tanghali ng Marso 20, 2018.

Isang netizen na nagngangalang Mulong Sermonia ang nag-upload ng 33-second video sa kanyang Facebook account na agad ding nawala dahil sa eskandalosong nilalaman nito.

Kuwento ni Sermonia, nasa loob sila ng sasakyan ng kanyang mga kaibigan at katrabaho nang mapansin ng isa sa kanila ang eskandalosong eksena mula sa digital billboard ng Executive Building Center. Maraming mga motorista ang napahinto sapagkat bibihirang pagkakataong makakita ng ganoong panoorin sa naturang digital billboard.

Nakakahiya man ang mga pangyayari, sana’y maging learning experience ito sa lahat, ayon kay Sermonia.

Samantala, nakausap na ng lokal na pamahalaan ng Makati ang may-ari ng billboard, batay sa panayam ng DZMM kay Makati Mayor Abigail Binay nitong Martes ng gabi, Marso 20, 2018. Hinihingi na ang panig ng may-ari sa mga nangyari.

Sa ngayon, nakasara ang billboard habang sinisiyasat ng operator kung ano ang naging sanhi ng nakahihiyang pangyayari.

Maraming netizen sa Twitter ang nagbigay ng iba’t ibang komento hinggil dito.

Fact-checked against the following source(s) :

Lifestyle Inquirer. Net, ABS CBN News, Facebook, Facebook