May dapat pa bang pag-ibayuhin? Mon Fernandez may payo kay 4x PBA MVP Junemar Fajardo

Public Domain

Naniniwala si Ramon “El Presidente”  Fernandez na kaya pang magdomina ni 4x PBA MVP Junemar Fajardo sa PBA.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sa pamamagitan ng panayam ng PBA courtside reporter na si Selina Dagdag, may dalawang  makabuluhang payo si Fernandez kay Fajardo.

Ayon kay Fernandez, dapat panatilihin ni Fajardo ang kanyang  timbang at dapat pa nitong pag-ibayuhin ang kanyang depensa.

Si Fernandez ay dati ring naglaro para sa SMB kung saan nasungkit din nito ang apat na MVP sa PBA.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkita sina Fernandez  at dating teammate at on-court rival Robert Jaworski sa MOA sa Game 4 ng PBA Semi Finals sa  pagitan ng San Miguel at Ginebra San Miguel.

Image capture from ESPN 5 Twitter account
Image capture from ESPN 5 Twitter account

Pinadapa ng San Miguel Beermen ang Ginebra San Miguel Gin Kings sa iskor na 102-81. Isang panalo na lamang ang kailangan ng SMB upang muling makapaglaro sa 2018 PBA Philippine Cup finals sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Ang game 5 ay gaganapin Smart Araneta Coliseum sa Marso 17.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS CBN, ABS CBN, Rappler