Mga Davaoeño, nabuwisit raw sa konsiyerto ni Ely Buendia

Imahe mula s LionhearTV

Nagpahayag ng pagkadismaya at pagkabuwisit ang mga Davaoeño na nanood ng concert ni Ely Buendia, ang dating frontman ng iconic superband na Eraserheads, sa Davao City noong ika-10 ng Marso.

Maging ang city councilor na si Al-Ryan Alejandre, na isang self-proclaimed na tagahanga ng Eraserheads, ay nadismaya sa naging kinalabasan ng konsiyerto ni Ely Buendia.

Aniya, noong Disyembre ng nakaraang taon pa siya nakabili ng ticket para sa nasabing concert.

Ayon sa ulat ng Sun Star, ang ikinabuwisit ng mga taga-Davao ay ang pagtatanghal niya na paos ang boses. Sabi pa raw ni Buendia, namaos siya dahil sa  isang gig noong nagdaang gabi bago ang concert sa Davao.

“I already had my tickets, VIP to say the least, in December last year. That’s how eager I was to secure a seat and him (Ely Buendia) just telling that he lost his voice because he had a gig the other night is unfair sa mga nagbayad,” himutok ni konsehal Alejandre.

Nagpahayag din ng pagkadismaya sa pamamagitan ng social media ang isang MaRee Cantaoi Cayas na isa umanong event organizer:

 Post ni MaRee Cantaoi Cayas

Fact-checked against the following source(s) :

Sun Star, MSN, Philippine News