Miguel: Maghihintay ako kay Bianca kahit ilang taon, darating din ang tamang panahon

Mga imahe mula sa Instagram account ni @migueltanfelix_

Handa raw maghintay sa aktres na si Bianca Umali ang kanyang ka-love team at manliligaw na si Miguel Tanfelix.

Ayon sa PEP, ibinahagi ni Tanfelix na “spontaneous” ang speech niya sa debut ni Umali at naging emosyonal lamang siya kaya sa mismong oras na iyon niya hiningi ang basbas ng pamilya nito para maligawan ito.

“Ayoko sana, but can’t help it,” aniya.

Pero nakatakda talagang hingiin niya ang basbas ng mga ito.

“Actually, naniniwala pa rin (ako) sa tradisyon ng mga Pinoy. Siyempre, hindi lang siya babae na hihingin mo ‘yung kamay, but pati sa parents niya, sa guardian niya,” wika niya.

“I’ve been planning it, matagal na, I just waited for her to turn 18,” dagdag pa ng aktor.

Handa raw maghintay kahit gaano katagal ang aktor.

“Andito pa rin ako for her and, of course, kay Lola. Kailangan pa natin kunin ‘yung loob lalo, ‘di ba? The right time will come, I’m sure. I’ve waited for how many years, and by the time na dumating yun, it’s gonna be worth it,” sabi pa niya.

Proposal

Kamakailan lang ay hiningi ni Tanfelix ang permiso ng lola at ng “buong angkan” ng ka-love team niyang si Umali upang makapagsimula na siya sa panliligaw sa aktres.

“Eighteen years old ka na. Finally, puwede ko nang sabihin sa ‘yo ‘yung matagal ko nang gustong sabihin,” sabi ni Tanfelix kay Umali.

Ngunit bago niya sabihin ang lahat sa kanyang iniibig, minabuti muna ng aktor na magpaalam sa lola nito kung maaari ba niyang ligawan ang aktres.

“Pero, siyempre, bago ako magpaalam sa iyo, kay Mama Vicky muna,” sabi niya sa other half ng tambalang BiGuel.

“Mama Vicky, ngayong 18 na po si Bianca, hihingin ko po sana ‘yong permiso n’yo. Puwede ko po bang i-express kung ano po ‘yong nararamdaman ko para sa magandang dalaga dito?” tanong ng aktor sa matanda.

Napagtanto rin ni Tanfelix na naroon ang lahat ng kamag-anak ni Umali kaya kaagad niyang sinabi, “Andito pala ‘yung buong angkan nila.”

“Manliligaw pa lang naman po ako kay Bianca, especially sa inyo, kailangan ko pa pong kunin ‘yung loob ninyo,” wika ng aktor.

Ang hiling ng lola ng aktres, sana raw ay huwag mainip ang aktor sa tamang panahon para sa pag-ibig.

“Miguel, sa larangan ng pag-ibig hinay-hinay…. Kasi apo, ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim. So hinay-hinay lang tayo. Darating din iyan, huwag kang mainip, sa tamang panahon,” aniya.

Panoorin ang nakakakilig na paghingi ni Tanfelix ng permiso sa lola ni Umali:

Narito naman ang nakatutuwang tugon ng “Mama Vicky” ni Bianca:

This is the cute response of Bianca Umali’s lola to Miguel’s request. @gmanews

A post shared by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) on

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, Balita DF, Instagram, IG