Negosyanteng babae sa Albay, patay sa pamamaril

Image from DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Patay ang isang 34-anyos na babae matapos itong pagbabarilin habang nagpa-park lamang ng kanyang sasakyan sa Barangay San Juan, Tabaco City nitong nakaraang Linggo ng gabi.

Kinilala sa ulat ng Bombo Radyo ang biktima na si Joan Cereza, isang negosyante at residente ng bayan ng Malinao sa Albay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyin, kasama ni Cereza ang kanyang apat na anak malapit sa may Saint John the Baptist Parish Church nang lapitan umano ang kanilang sasakyan ng 3 kalalakihan at pagbabarilin ang babae.

Nakaligtas ang apat na bata subalit napaslang ang negosyante dahil sa mga tinamong bala sa katawan.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang apat na piraso ng bala na pinaniniwalaang nagmula sa kalibre 45 at kalibre 22 na baril.

Hinala ng pulisya, may kinalaman ang krimen sa dadaluhang hearing ng biktima kung saan nakatakda itong tumestigo sa isang kaso.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente habang inaalam pa kung mayroong CCTV sa lugar na maaaring nakahagip sa pangyayari.

Fact-checked against the following source(s) :

Bombo Radyo, Facebook