“Paggamit ng malaking plaka sa motorsiko, makatutulong sa pagbaba ng krimen” – mambabatas

Image capture from ABS CBN video via You Tube

Solusyon nga ba?

Makatutulong umano sa pagbaba ng krimen ang panukala sa paggamit ng mas malaking plaka at iba pang identifying marks sa mga motorsiklo.

Ayon sa ulat ng PhilStar, lumusot na sa House of Representatives sa House Committee on Public Order and Safety ang Motorcycle Crime Prevention Act o paggamit ng malaking plaka para sa mga motorsiklo.

Ang malalaking plaka ay magsisilbi umanong deterrent sa paggawa ng krimen at mas magiging madali ang pagtukoy sa motorsiklo na gamit ng mga suspek;  ito ay ayon kay Antipolo Rep. Romeo Acop.

Sa panukalang batas,  mahaharap ang kriminal sa maximum penalty kung gagamit ito ng impounded na motorsiklo.

Binibigyan din ng otorisasyon ang Land Transportation Office upang itakda ang laki ng plaka ng motorsiklo basta’t  kailangang mababasa ito sa minimum distance na 12 metro.

Makaraang maaprubahan sa House of Representatives inaasahan na maisasalang ito agad sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara.

Fact-checked against the following source(s) :

PhilStar, RMN, Remate